^

Police Metro

Grab driver inaresto sa baril at granada

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Grab driver ang inaresto ng mga pulis nang mahuli sa kanyang pag-iingat ang baril at granada na dala niya habang siya ay namamasada sa New Manila Quezon City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Khalida Gonzales, 31, residente ng No. 69-C Boni Serrano St., Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City na driver ng Grab Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Batay sa ulat, inaresto dakong alas-4:40 ng hapon sa Broadway Ave. corner Aurora Blvd., Brgy. Valencia, New Manila, Quezon City ang suspek nang magbigay impormasyon ang isa nitong naging pasahero sa pagdadala nito ng baril makaraang makita na nakasukbit sa kanyang baywang.

Sinita ng mga tauhan ng District Support Operation Unit si Gonzales habang ipinapasada ang kanyang kulay gold  na Toyota Avanza na may plakang VZ-6496.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre 45 baril na may pitong bala at isang MK2 hand grenade sa ilalim ng upuan ng sasakyan.

Walang maipakitang lisensiya at dokumento ang suspek sa mga nakuhang armas mula sa kanya kaya’t inaresto.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with