^

Police Metro

8 pulis, 4 bumbero sugatan sa mga militante

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasugatan ang walong pulis at apat na bumbero nang tamaan ng mga bato na inihagis sa kanila ng nasa 300 militante na nagsagawa ng rally sa tapat ng US Embassy, sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dinala at ginagamot sa Ospital ng Maynila ang 8 tauhan ng Manila Police District-District Mobile Force Battalion (MPD-DMFB) at 4 Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsampa ng reklamo  sa General Assignment and Investigation Section (GAIS) laban sa mga miyembro ng Migrante, Karapatan, Anakbayan, Anakpawis, Kabataan party list, Gabriela na pawang nagmula sa Southern Tagalog.

Sa inisyal na ulat, alas-4:00 ng hapon nang magsimula ng programa sa Plaza Ferguzon sa northbound ng R. Blvd. ang mga rali­yista at bandang alas-6:00 ng gabi nang ­pwersahang tumulak na makalapit sa kabilang bahagi ng R. Blvd sa harapan ng US Embassy kaya napilitan ang mga tauhan ng Civil Disturbance Management (CDM) na harangan sila.

Dito na nagkainitan hanggang sa pagbabatuhin ng mga raliyista ang mga pulis gamit ang mga stick at bato at inaagawan pa ng kanilang kalasag upang tamaan.

Hindi naman nagpabaya ang CDM contingents na mahawi ang mga militante sa kabila ng pag-ulan ng mga bato, sticks at paggigitgitan hanggang sa tuluyan na itong maitaboy sa harap ng Embahada.-

vuukle comment

MILITANT RALLY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with