^

Police Metro

Magdyowang kawatan nilikida

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Kapwa bumulagta ang isang mag-live-in partner na umano’y mga notoryus na magnanakaw sa kanilang lugar matapos silang pagbabarilin ng ‘di pa nakikila­lang gunman habang mahimbing na natutulog sa kanilang tahanan naganap sa Barangay Paco, Kidapawan City, North Cotabato, madaling araw ng Sabado.

 

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Esperidion Gondemaro alyas ‘Tikboy’ 50, at ang live-in partner nito na si Marlita Santiago, 43, na kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:10 ng madaling araw habang mahimbing na na­tutulog ang mga biktima nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang suspek at walang patumanggang pinaulanan sila ng bala na ikinasawi agad ni Gondemaro na napuruhan sa ulo habang nagawa pang maisugod sa pagamutan si Santiago na minalas namang hindi na ito umabot pang buhay.

Sinisilip ngayon ng pulis­ya na ang posibleng motibo sa pagpatay sa da­lawa ay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na gawain bilang notoryus na magnanakaw sa kanilang lugar.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with