Sundalo bulagta sa ambush
Jorge Hallare (Pang-masa) - July 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Isang 31-anyos na sundalo ang nasawi matapos siyang tambangan at pagbabarilin ng tatlong hinihinalang miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) sa Brgy. Veneracion sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur, kamakalawa ng umaga.

 

Sanhi ng mga tama ng punglo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan, napuruhan at nasawi noon din ang bikitmang si Pfc Johnny Franco, ng Military Intelligence Company ng 9th Infantry Division ng Philippine Army at residente ng Brgy. Santa Del Norte sa bayan ng Pasacao, sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng umaga, habang sakay ng kanyang motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ng highway nang pagsapit sa boundary ng bayan ng Pamplona at Pasacao ay bigla na lang sumulpot ang tatlong kalalakihan na armado ng M-16 Armalite Rifle at Caliber .45 na baril at agad na pinaulanan ng bala ang biktima na matapos mapuruhan ay nawalan ng kontrol sa manibela dahilan upang sumalpok pa ito sa isang hilera ng kawayan na bakod at duguang bumulagta.

Nakuha sa lugar ang apat na basyo ng M16 Armalite rifle at pitong basyo ng Kalibre 45 baril habang nawawala ang service firearm ni Franco na pinaniniwalaang kinuha ng mga suspek bago nagsitakas sa hindi malamang direksyon.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with