Nakasaad sa pinalabas na memorandum ni Dela Rosa, na may impormayon siyang natanggap, na ilan aniyang kawani ng BuCor ay pinapayagan ipagamit sa ilang inmates ang kanilang personal electronic gadget kapalit ng pera.
File
Cellphone, tablet, atbp bawal na sa Bilibid
Lordeth B. Bonilla (Pang-masa) - July 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Upang masawata ang talamak na pangungurakot sa loob ng New Bilibid Prison, mariing pinagbabawalan na rin ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) na magdala sa loob ng pasilidad ng mga perso­nal communication devices tulad ng cellphones, tablets, pocket wi-fi at laptop.

 

Ito ay base sa derektiba ni BuCor director, retired General Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Nakasaad sa pinalabas na memorandum ni Dela Rosa, na may impormayon siyang natanggap, na ilan aniyang kawani ng BuCor ay pinapayagan ipagamit sa ilang inmates ang kanilang personal electronic gadget kapalit ng pera.

Bilang hakbangin, ipi­nag-utos ni Dela Rosa na bawal na ring magdala ng mga electronic gadget ang mga opisyal at kawani ng BuCor kapag pumasok sila sa prison compound.

Binalaan ni Dela Rosa ang  mga opisyal at kawani ng BuCor, na mananagot ang mga ito sa kanya kapag sila ay nahuli.

Bukod sa NBP, kabilang din sa inisyuhan ng memorandum ni Dela Rosa ay ang Correctional Institution for Women,  Prison and Penal Farms sa  Davao, Iwahig, San Ramon, Sablayan sa Leyte.

BUREAU OF CORRECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with