^

Police Metro

2 ‘shabu online seller’, huli

Mer Layson - Pang-masa
2 �shabu online seller�, huli
Sa kalaboso ang bagsak ng mga suspek na kinilalang sina Michael Angelo Isla, 24, residente ng Kamuning at Lee Anne Layumas, 26, ng Fairview sa naturang lungsod.
File

MANILA, Philippines — Dalawang katao na sinasabing ‘online seller’ ng droga ang nasakote ng mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

 

Sa kalaboso ang bagsak ng mga suspek na kinilalang sina Michael Angelo Isla, 24,  residente ng Kamuning at Lee Anne Layumas, 26, ng Fairview sa naturang lungsod.

Nabatid mula kay P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., director ng Quezon City Police District (QCPD) na dakong alas-7:50 ng gabi noong madakip  ng kanyang mga tauhan ang dalawa sa K-3rd corner KE St., General Luis St., Novalichez, Quezon City.   

Isang undercover agent ng QCPD ang bumili online sa mga suspek sa halagang P500 noong sila ay arestuhin. Nakuha mula sa dalawa ang 11 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P74,000.

Bukod sa online transaction ng mga suspek ay nadiskubre rin ng mga otoridad ang kanilang bagong istilo na pagpapa-consign ng mga droga para mas dumami ang kanilang mga kostumer at makarami ng benta.

Nabatid din na si Isla ang itinuturong pinagkukunan ng shabu ng mga nauna nang nahuling drug suspek ng Quezon City Police District Station.

Nahaharap ngayon ang dalawang ng kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with