Anak ng ex-Mayor ng Cebu timbog sa shabu
MANILA, Philippines — Nasakote ng mga otoridad ang limang drug suspect kabilang ang anak ng dating alkalde ng Cebu kahapon ng madaling araw sa Brgy. Guadalupe, Cebu City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Junie Gungob, dating kagawad ng Brgy. Casili at anak ni dating Consolacion, Cebu Mayor Avelino Gungob; Clint Fernandez, lover nitong si Aileen Bornales at dalawang iba pa na nakumpiskahan ng ilang sachets ng shabu.
Ang target ng operasyon ay si Fernandez, at dakong alas-2:30 ng madaling araw nang isagawa ang drug raid sa M. Velez St., likuran ng Department of Agriculture sa Brgy. Guadalupe ng lungsod.
- Latest