Mega Q-Mart nasunog
Mer Layson (Pang-masa) - July 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagmistulang impyerno ang Mega Q-Mart na matatagpuan sa Edsa, Quezon City matapos na ito ay tupukin ng apoy sa naganap na sunog kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:44 ng madaling araw nang magsimula ang sunog na agad umakyat sa ikaapat na alarma.

Nasa 20 tindahan o stall ang naabo sa sunog at 25% ng palengke ay tinupok sa bahagi ng dry good section.

Ayon sa BFP, naideklara nilang under control na ang sunog ng alas-5:20 ng umaga at tinatayang aabot sa isang milyon ang halaga ng napinsala ng sunog.

Patuloy ang imbestigasyon upang mabatid ang na­ging dahilan ng sunog na kung saan ay walang naiulat na namatay o nasaktan.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with