^

Police Metro

Teachers sa Quezon City pumalag sa drug test

Angie dela Cruz - Pang-masa
Teachers sa Quezon City pumalag sa drug test
Ayon kay Belmonte na mandatory ang drug ­testing sa lahat ng go­vernment employee dahil mismong si DepEd Secretary Briones at lahat ng kanyang undersecretary ay nagpa-drug test.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Pumalag at tila ayaw ng mga guro sa Quezon City ang mandatory drug testing na pinaiiral ng lungsod dahil isa umano itong insulto sa kanilang propesyon.

Subalit, agad itong ­sinopla ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na kaila­ngang dumaan sa drug test ang lahat ng empleyado ng pamahalaan alinsunod sa pambansang kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Ayon kay Belmonte na mandatory ang drug ­testing sa lahat ng go­vernment employee dahil mismong si DepEd Secretary Briones at lahat ng kanyang undersecretary ay nagpa-drug test.

“Ako at si Mayor Herbert Bautista ay nagpa-drug test din,” pahayag ni Belmonte .

Kamakailan ay nagprotesta ang mga guro sa harap ng Quezon City Hall upang tumawag ng pansin sa kanilang problema sa naantalang allowance at ang pagtangging mapasailalim sila sa drug test.

Nilinaw ni Belmonte sa mga guro na hindi sila ‘sinisingle-out’ hinggil sa kampanya ng pamahalaan kontra droga dahil kung may nag-positive ay ililihim ito.

Ipinaliwanag din nito na katuwang ng lokal na pamahalaan ang DepEd para sa pag-aayos ng­ ­schedule ng orientation ng mga guro tungkol sa drug test para  masagot ang lahat ng kanilang mga katanu­ngan. 

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with