Ito ang inihayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua dahil sa pagkalat ng mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China” noong nakaraang linggo.
Presidential Photo/Simeon Celi Jr., File
Pinas hindi ‘probinsiya’ ng China-envoy
Rudy Andal (Pang-masa) - July 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — “It [the Philippines] has never been [a] part of China...not now, not ever,”.

Ito ang inihayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua dahil sa pagkalat ng mga tarpaulin na may nakasulat na “Welcome to the Philippines, Province of China” noong nakaraang linggo.

Nilinaw din ni Zhao na hindi naging bahagi ng China ang Pilipinas at hindi ito magiging probinsiya ng kanilang bansa.

Isa umanong pag-atake sa bilateral relations ng China at Pilipinas ang nagkalat na tarpolina sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

 “It’s kind of a vicious attack not only on the relations between our two countries but also on the independent foreign policy pursued by President Duterte and his administration,” paliwanag pa ni Zhao sa mga reporters kahapon.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremony ng itatayong tulay sa pagitan ng Intramuros at Binondo na popondohan ng Chinese government.

ZHAO JIANHUA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with