Sa pagdinig kahapon sa Senado tungkol sa pag-amyenda sa Saligang Batas, isinumite ng Con-Com ang pinal na kopya ng draft federal constitution kung saan tiniyak na hindi na maaring kumandidato bilang pangulo ang “incumbent president” sa 2022.
AP/Aaron Favila, File
Duterte ‘di na puwede sa 2022 elections
Malou Escudero (Pang-masa) - July 18, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi maaring tumakbong muli bilang Pangulo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.

Ito ang inilagay sa  final draft ng federal constitution na binuo ng Consultative Committee.

Sa pagdinig kahapon sa Senado tungkol sa pag-amyenda sa Saligang Batas, isinumite ng Con-Com ang pinal na kopya ng draft federal constitution kung saan tiniyak na hindi na maaring kumandidato bilang pangulo ang “incumbent president” sa 2022.

Magugunita na mismong si Duterte ang humiling sa Con-Com na ilagay ang probisyon na magbabawal sa posible nilang pagkandidato bilang pangulo sa susunod na presidential elections.

Nakasaad din sa draft na ang transition president at vice president ay ihahal na magkasama para pamunuan ang transition.

Kung makakalusot, ang unang regular election para sa lahat ng opisyal sa ilalim ng bagong Konstitusyon ay ihahalal sa ikalawang Lunes sa May 2022.

Ang transition Vice President, Senate President, Speaker of the House at lahat ng nabubuhay pang naging Presidente ng bansa ay magiging ex-officio members ng Transition Commission at matatapos ang kanilang tungkulin sa June 30, 2022.

Sa final na draft ng federal constitution, nakapaloob pa rin ang pagkakaroon ng apat na Supreme o High Courts na kabibila­ngan ng Federal Supreme Court, Federal Constitutional Court, Fe­deral Administrative Court, at Federal Electoral Court.

Mula naman sa kasalukuyang anim na taong termino ng Pangulo, gagawin itong apat na taon pero mayroong isang reelection.

Nagdagdag din ng kuwalipikasyon para makatakbong Pangulo ng bansa na dapat ay may college degree.

Mananatiling bica­meral ang Kongreso kung saan magkakaroon na ng dalawang senador na kakatawan sa bawat rehiyon, samantalang 60 porsiyento ng miyembro ng House of Representatives ay ihahalal sa congressional district at 40% sa party representation.

Nakasaad din sa draft constitution na lahat ng opisyal ng gobyerno sa ilalim ng 1987 Constitution ay magpapatuloy sa kanilang serbisyo maliban na lamang kung siya ay matatanggal dahil sa reorganisasyon.

 Pero ang mga permanenteng empleyado ng gobyerno na matatanggal dahil sa reorganisasyon ay makakatanggap ng nararapat na separation pay, o kaya ay early retirement na nakalaan sa kanila sa ilalim ng umiiral na ­batas.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with