^

Police Metro

Mag-utol todas sa resbak ng bayaw

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang isang magkapatid nang sila ay pagbabarilin ng sariling bayaw na rumesbak sa kanila matapos na pagtulungang gulpihin sa isang quarry naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Malapag, Carmen, North Cotabato.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Jerry Mijares Caw-it, 44; at Alex, 49, kapwa residente ng nasabing lugar. Habang ang suspek ay ang bayaw nilang si Joel Esguerra, 35.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-7:00 ng gabi ay pinagtulungan umano ng magkapatid na gulpihin ang suspek sa kanilang pagtatalo sa quarry site.

Walang nagawa ang suspek sa paggulpe sa kanya ng magkapatid kaya’t kinagabihan ay pinuntahan nito ang bahay at doon pinagbabaril ang magkapatid na namatay noon din. Kusang loob na sumuko ang suspek sa pulis­ya na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

JERRY MIJARES CAW-IT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with