^

Police Metro

Motor vs motor: 2 rider dedbol

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa namatay ang dalawang riders habang nasa kritikal na kondisyon ang angkas ng isa sa kanila nang magsalpukan ang kanilang minamanehong motorsiklo kamakalawa ng gabi sa East Service Road, Parañaque City.

Kinilala ang mga nasawi noon din na sina Raymart Rodriguez at Jericho Tabao, kapwa nasa hustong gulang.

Habang inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital dahil sa kritikal na kondisyon ang angkas ni Tabao na si Roger Peralta.

Batay sa ulat ng Parañaque City Traffic Bureau, bago naganap ang malagim na insidente bandang alas-11:55 ng gabi sa kahabaan ng East Service Road ng naturang lungsod ay minamaneho ni Rodriguez ang kanyang motorsiklo at papunta ito sa area ng Bicutan, Taguig nang biglang mag-counterflow sa  East Service Road.

Siya namang mabilis na pagdating ng motorsiklo na minamaneho ni Tabao angkas si Pe­ralta at hindi nakita ang kasalubong na motor ni Rodriguez na naging dahilan nang kanilang pagsasalpukan.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima na na­ging sanhi nang agarang kamatayan nina Rodriguez at Tabao.

Isinugod ng rescue team sa nabanggit na ospital ang duguang si Peralta.

Nabatid sa pulisya na fast lane ang East Service Road kaya’t madalas ang aksidente sa lugar.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with