^

Police Metro

Garin, 37 pa muling kinasuhan sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Garin, 37 pa muling kinasuhan sa DOJ
Kasama si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa Department of Justice (DOJ) ng pamilya ng pang-11 biktima ng Dengvaxia vaccine na si Michael Tablete sa pagsasama ng mga kaso laban sa mga respondents.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Muling sinampahan ng kasong kriminal sina dating Health Sec. Janette Garin at 37 iba pang dating opisyal ng pamahalaan na sangkot sa kontro­bersyal na anti-dengue Deng­vaxia vaccination program noong panahon ng Aquino administration.

Kasama si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa Department of Justice (DOJ) ng pamilya ng pang-11 biktima ng Dengvaxia vaccine na si Michael Tablete sa pagsasama ng mga kaso laban sa mga respondents.

Kabilang sa mga kasong isinampa kina Garin ay reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa batas kontra torture, at consumer act.

Sa sinumpaang reklamo ng ina ni Tablete na si Rowena Villegas na malusog umano ang katawan ng kanyang anak, pero minsan ay nakakaranas ng asthma, subalit lumala ang kondisyon ng baga nito matapos maturukan ng tatlong beses ng Dengvaxia noong Marso 2016 hanggang Hulyo 2017.

Noong Oktubre 30, 2017 ng gabi nang isinugod sa Olongapo Hospital si Tablete matapos makaranas ng hirap sa paghinga at panghihina na kalaunan ay idineklarang dead-on-arrival.

Nagawa pang ma-revive ang biktima, subalit kinaumagahan ay binawian na rin ito ng buhay na iniuugnay ng PAO forensics team na may kauganayan sa Dengvaxia.

vuukle comment

JANETTE GARIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with