^

Police Metro

‘No-el’ isusulong pa rin ni Alvarez

Joy Cantos - Pang-masa
�No-el� isusulong pa rin ni Alvarez
Sinabi ni Alvarez na kung hindi sasang ayon ang Senado para sa pagpapa­liban ng 2019 elections ay maari pa rin itong maisulong sa pamamagitan ng people’s initiative upang amyendahan ang pro­bisyon ng Konstitusyon na isagawa ang halalan kada ikatlong taon.
Pantaleon Alvarez/Released, File

MANILA, Philippines — Isusulong at hindi isusuko ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang kanyang paninindigan na ipagpaliban muna ang mid term elections sa 2019  kaugnay ng isinusulong na paglipat sa pederalismo sa gobyerno.

Sinabi ni Alvarez  na kung hindi sasang ayon ang Senado para sa pagpapa­liban ng 2019 elections  ay maari pa rin itong maisulong sa pamamagitan ng people’s initiative upang amyendahan ang pro­bisyon ng Konstitusyon na isagawa ang halalan kada ikatlong taon.

Binigyang diin ni Alvarez na isinasapinal pa nila ang draft ng panukalang Federal Charter sa Kongreso at sinabing umaasang hindi ito sasalungatin ng Senado.

Sakali mang mangyari ito ay isusulong nila ang Constituent Assembly (Con-Ass)  para makakuha ng ¾ na boto bago ito isumite sa taumbayan para sa ratipikasyon ng referendum.

Iginiit ng House Spea­ker sa ilalim ng 1987 Constitution ay hindi inoobliga ang dalawang Kapulungan na mag-convene para sa con-ass.

Inihayag pa nito na tinatayang aabutin ng anim hanggang walong buwan bago makumpleto ang debate at deliberasyon sa Fe­deral Charter at idinagdag pang seryoso ang pamahalaan sa charter change para sa federal form of government.

vuukle comment

PANTALEON ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with