^

Police Metro

4 pang pulis-Muntinlupa na hulidap, tinutugis

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pagtugis ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa apat pang pulis-Muntinlupa kabilang ang hepe ng Station Drug Enforcement Unit na sangkot umano sa robbery-extortion sa isang ginang noong nakaraang Huwebes.

Ang mga pinagha­hanap ay sina Senior Inspector Mark Pesigan, hepe ng Muntinlupa Police Station DEU; mga tauhan na sina SPO1 Edgardo Zervoulako; PO3 Charlie Miranda; at PO3 Roderick Salvador.

Magugunita na una nang sinibak ni NCRPO chief, P/Director Guil­lermo Eleazar ang apat na na-entrap na pulis na sina SPO1 Psylo Joe Jimenez, PO3 Romeo Par, PO2 Farvy Dela Cruz, at PO1 Jon Jon Averion at maging hepe ng Muntinlupa police na si Senior Superintendent Dionisio Bartolome ay tinanggal din sa puwesto.

Sa salaysay ng biktimang itinago sa alyas na “Madam”, bukod sa pangingikil ay sinaktan pa siya ng mga pulis nang halughugin ng mga ito ang kanyang bahay. Na-trauma rin umano ang kanyang anim na taong gulang na anak sa pangyayari.

Narekober naman ang nawawala niyang telebisyon at mga ID sa sasakyan ng isang inarestong pulis.

“Maituturing na kidnap for ransom ang ginawa ng mga pulis-Muntinlupa nang hingan ng P300,000 si Madam kapalit ng paglaya nito mula sa umano’y kaso sa droga”, pahayag ni Eleazar.

vuukle comment

MARK PESIGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with