^

Police Metro

Senglot nakuryente sa hawak na radyo

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Doon sa kanyang higaan natagpuang patay ang isang 36-anyos na lalaki matapos na makur­yente habang makikinig sana sa radyo kamakalawa sa Brgy. Himaao Norte, Pili, Camarines Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Alvin Amoroso Mabesa, residente ng nasabing barangay na nasunog ang kanang kamay habang hawak radyo.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Norma Mabesa sa pulisya dakong alas-12:30 ng tanghali, nakita niya na patay na ang anak habang hawak ang radyo at nakahiga sa katreng kawayan.

Ayon sa ina, umuwing  lasing ang kanyang anak na may hawak pang dalawang bote ng beer at kinuha ang radyo para makinig nang mangisay matapos mahawakan  ang kawad.

Nabatid na grounded ang radyo na pinatunayan ng ina at isa pang anak nito na muntikan na ring makuryente noong nakaraang mga araw.

vuukle comment

ALVIN AMOROSO MABESA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with