^

Police Metro

3 drug pusher timbog sa P1-M shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga pulis ang tatlong bigtime drug pusher na magdedeliber ng droga sa kanilang parokyano kamakalawa sa Caloocan City.

Halos aabot sa P1 mil­yong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha ng pulisya sa tatlong suspek na sina Daniel Cruz Antonio, 35, binata, at residente ng No. 271, Ma­ginoo St., Brgy. 104, Zone 8, Tondo, Manila; Julius Ceazar Nuñez Obias, 25, residente ng Area C, Chess Clinic Compound, Brgy. 186, Tramo, Pasay City; at Julius Sucuaje Quirao, 27, ng No. 704 C-22, Brgy. 157, Malibay, Pasay City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:35 ng madaling araw nang magkasa ng buy bust operation ang mga pulis sa kanto ng Bonifacio Street at Samson Road sa Brgy. 11 Zone 7, District 1, Caloocan City matapos na matumbok sa kanilang intelligence gathering ang operasyon ng naturang grupo.

Dito ay hindi na nakapalag ang mga suspek na sakay ng kanilang kotse nang mapalibutan ng mga pulis matapos na magbenta ng isang pakete ng shabu sa poseur buyer na nag-abot ng P1,000 halaga ng marked money.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong ma­laking plastic sachet na naglalaman ng 120 gramo ng shabu na may halagang P816,000 at sinasakyang Nissan Cefiro (XSA 507) na may nakatagong isa pang plastic sachet na naglalaman ng 20 gramo pa ng shabu.

Kinasuhan ang mga suspek sa  paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with