^

Police Metro

Trillanes bibigyan ng pansamantalang police security

Gemma Garcia - Pang-masa
Trillanes bibigyan ng pansamantalang police security
Ayon kay Albayalde ang kanilang nasimulang hakbang kamakailan lang ay para ma-maximize ang paggamit ng human resources na ang panguna­hing layunin ay masuri ang functions ng mga pulis partikular na sa security needs ng mga key officials at pribadong indibidwal.
Senate PRIB/Cesar Tomambo, File

MANILA, Philippines — Habang wala pang resulta ang comprehensive review ng Philippine National Police sa lahat ng protective security personnel ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa pagbibigay ng security sa mga kuwalipikadong very important persons kabilang dito ang mga elected at appointed officials gayundin ang mga pribadong indibidwal ay inatasan na ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na bigyan muna nang pansamantalang police security si Sen. Antonio Trillanes.

Ayon kay Albayalde ang kanilang nasimulang hakbang kamakailan lang ay para ma-maximize ang paggamit ng human resources na ang panguna­hing layunin ay masuri ang functions ng mga pulis partikular na sa security needs ng mga key officials at pribadong indibidwal.

Ang comprehensive review din umano ay bahagi na rin ng pro-active measure ng PNP para masiguro na ang mga police personal ay hindi nagagamit ng mga VIPs para sa economic or political na kadahilanan habang paparating na ang eleksyon.

Kaya habang hindi pa natatapos ang comprehensive review ng PNP ay ipinag-utos ni Albayalde ang pagbabalik ng security personnel ni Trillanes.

Matatandaan na inalis ang dalawang security detail ni Trillanes dahil umano sa lumang regulasyon ng PNP na tinawag na Alunan doctrine na nagtatakda na ang mga opisyal ng gobyerno ay dapat mayroon lamang dalawang bodyguards.

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with