^

Police Metro

2 holdaper sa Pasay, napatay

Danilo Garcia - Pang-masa
2 holdaper sa Pasay, napatay
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang mapaslang ng mga tauhan ng Intelligence Section ang suspek na si Arnel Padil, isa umanong notoryus na holdaper, sa isang bahay sa Saint Joseph, Brgy. 201, Zone 20, Pasay City.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang dalawang lalaki na umano ay notoryus na holdaper sa magkahiwalay na barilan sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang mapaslang ng mga tauhan ng Intelligence Section ang suspek na si Arnel Padil, isa umanong notoryus na holdaper, sa isang bahay sa Saint Joseph, Brgy. 201, Zone 20, Pasay City.

Isinisilbi ng mga pulis ang warrant of arrest para sa kasong pagpatay sa isang Victor Andie Sallaro at sa halip na sumuko ay tumakas kaya’t hinabol ito.

Nang maabutan ng mga pulis ay nagbunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis ngunit pumalya. 

Gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkakapatay kay Padil.

Sunod na napatay ng mga pulis, dakong alas-11:15 ng gabi ang drug suspek at holdaper na si Salvador Evangelista, Jr., sa isang buy-bust ­operation sa may Apelo Cruz Street, Brgy. 157, Zone 16.

Nakahalata umano si Evangelista nang lumapit na ang mga pulis kaya nagtatakbo sa itaas ng kanyang bahay at hinabol ng mga pulis.

Pag-akyat ng mga pulis sa ikatlong palapag ng bahay ay pinagbabaril ni Evangelista ang mga una.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa katawan na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

HOLDAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with