Ayon kay Nograles na kada sakay sa Grab ay tinatayang may habang 30 minuto at sa 67 milyon sumasakay dito ay umaabot ito sa P4.02 billion.
The STAR/Boy Santos
Grab Philippines may utang na P4-B sa commuters
Gemma Garcia (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P4 bilyon pisong utang ang Grab Philippines sa kanilang mga mananakay dahil sa illegal na paniningil ng P2 kada minutong fare charge na kanilang ipinatupad sa loob ng 10 buwan.

Ito ang sinabi ni PBA partylist Rep. Koko Nograles kasunod ng kautusan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Transport Network Company (TNC)  na ire-imburse sa mga pasahero ng Grab nang P2 kada minutong charge.

Ayon kay Nograles na kada sakay sa Grab ay tinatayang may habang 30 minuto at sa 67 milyon sumasakay dito ay umaabot ito sa P4.02 billion.

Iginiit pa ng kongresista na ang illegal na P2 kada minutong fare ay ipinatupad ng Grab nang walang kaalam alam ang mga drivers kaya dapat na ang kumpanya lang ang magbalik nito.

Nanawagan si Nograles sa LTFRB na siguruhin ng Grab na i-charge ang komisyon sa booking fee ng mga sumasakay sa kanila at hindi mula sa presyo ng pamasahe dahil ang ginagawa lamang ng Grab ay mag facilitate ng booking kada sasakay sa pamamagitan ng kanilang application.

GRAB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with