Ito ang sinabi mismo ni Pangulong Duterte kay Jesus is Lord leader Bro. Eddie Villanueva sa kanilang pulong kamakalawa ng gabi na humingi na siya ng apology mismo sa Diyos.
King Rodriguez/PPD, file
‘Sorry God’-Duterte
Rudy Andal, Malou Escudero (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

Sa kanyang ‘stupid God’remark...

MANILA, Philippines — Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na humingi ng patawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos dahil sa kontrobersyal na “stupid God” remark nito.

Ito ang sinabi mismo ni Pangulong Duterte kay Jesus is Lord leader Bro. Eddie Villanueva sa kanilang pulong kamakalawa ng gabi na humingi na siya ng apology mismo sa Diyos.

Nagkausap sina Pangulong Duterte at Bro. Eddie sa loob ng 2 oras at kalahati kamakalawa ng gabi sa Malago clubhouse sa Malacañang. Kasama sina Panelo at Special Assistant to the President Bong Go sa nasabing pulong.

Nilinaw din ni Bro. Eddie kay Pangulong Duterte na humingi ito ng apology hindi sa publiko, hindi sa taumbayan, hindi sa mga relihiyon kundi sa Panginoon.

“Immediately after he made those remarks, he said, ‘Sorry, God, hindi ka kasama dito, you’re not included,” paliwanag pa ni Panelo.

Ayon kay Panelo, ipinaliwanag din ni Duterte kay Villanueva na nasabi niya ang kontrobersyal na remark dahil sa Australian nun na humaharap sa deportation na si Patricia Fox na ginagamit ang pangalan ng Diyos at ginagamit ang relihiyon sa paglabag nito sa batas.

Wika pa ni Duterte kay Villanueva, binabatikos siya ng nasabing madre gayundin ang gobyerno pero hindi naman nito napupuna ang mga pagkakamali ng kanyang bansa.

Nilinaw din ng Pa­ngulo kay Bro. Eddie na ang kanyang Diyos ay “all forgiving and all kind, and not one to “create chaos and discredit others.”

Ikinatuwa naman ni Brod. Eddie ang naging paliwanag ni Pangulong Duterte at ang ginawa nitong paghingi ng patawad sa Diyos sa kanyang nagawa.

Pinuri naman kahapon ni Senador Ping Lacson ang ginawang pagpapakumbaba ni Pangulong Duterte sa paghingi ng tawad sa Diyos.

Naniniwala si Senator Lacson na hindi na mahalaga kung Diyos niya o Diyos ni Duterte ang hinihingan niya ng tawad dahil iisa lamang naman ang Diyos sa buong sansinukob.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with