Patricia Javier nadale ng ‘basag-kotse’
Mer Layson (Pang-masa) - July 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Humigit kumulang na P340,000 ang natangay sa da­ting sexy singer/actress na si Patricia Javier nang basagin ang bintana ng  kanyang kotse at tangayin ang kanyang branded na bag na naglalaman ng pera, cellphone, alahas, ATM ng mga hindi pa kilalang suspek na mi­yembro ng “Basag-Kotse” Gang, kamakalawa ng gabi sa Antipolo City, Rizal.

Batay sa salaysay ni Javier sa tanggapan ng Police Community Precinct 1, ng Antipolo City Police, dakong alas-8:15 ng gabi, malaman niyang binasag ang salamin ng kanyang sasakyan sa tapat ng isang kilalang kainan sa Masinag, Barangay Mayamot, Antipolo City.

Ayon kay Javier, kumakain siya at ilang kasama nang marinig niyang nag-alarm ang kanyang Sports Utility Vehicle (SUV) na inakala na nasagi lamang ng dalawang naka-scooter na lalaki ang kanyang kotse kaya nag-alarm ito.

Nang tingnan ng aktres ay basag na ang bintana ng kanyang sasakyan sa passenger’s seat at wala na ang kanyang mga gamit at napakahalaga sa kanya ng naturang kuwintas, na may inisyal niyang PJ, dahil binili umano niya ito noong kasagsagan ng kanyang kasikatan.

Sinusuri na ng mga pulis ang CCTV sa naturang kainan upang matukoy kung sino ang may kagagawan ng pagnanakaw.

PATRICIA JAVIER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with