^

Police Metro

Nagwaging kap, timbog sa buy-bust

Joy Cantos, Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Humihimas na ngayon sa rehas na selda ang isang kapapanalo pa lang na kapitan ng barangay matapos maaresto sa ginawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philipine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulis sa kahabaan ng Ballesteros St., Purok 6, Brgy. Sampaloc sa Sorsogon City, Sorsogon noong Biyernes ng hapon.

Hindi na nakapalag nang arestuhin makaraang i-abot ang ibinebentang droga sa poseur buyer na pulis si Misael Larosa alyas ‘Bobby’, 48-anyos, nanalong kapitan at residente ng nasabing  barangay.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:45 ng hapon nang ikasa ng mga operatiba ang buy-bust laban kay Larosa na itinuring din na ranked number 3 sa provincial drug watchlist.

Ilang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias ang nakuha sa suspek.

Umabot umano ng ilang araw ang ginawang surveillance laban kay tserman bago ginawa ang operasyon.

vuukle comment

DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with