^

Police Metro

Tricycle bilang school service, ok sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tricycle bilang school service, ok sa Quezon City
Ayon kay Belmonte, pwede naman na magamit ang mga tricycle bilang school service basta’t hindi kolorum at hindi overload.
File

MANILA, Philippines — Kailangang ituloy pa rin ng pamahalaan ang pagpapagamit sa mga tricycle bilang school service ng karamihan ng mga mag- aaral sa bansa partikular sa Quezon City.

Ito ay reaksiyon ni QC  Vice Mayor Joy Belmonte sa pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagbawal ang mga tricycle bilang school service para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Belmonte, pwede naman na magamit ang mga tricycle bilang school service basta’t hindi kolorum at hindi overload.

Binigyang diin ni Belmonte na nauunawaan niya ang panukala ng LTFRB pero ang dapat iprayoridad dito ng ahensiya ay ang usapin ng kolorum at overloading.

Sinabi ni Belmonte na kumpara sa mga school bus service, mas mura ang pasahe sa tricycle at mas praktikal pang gamitin bukod sa may extra income  ang mga driver ng tricycle sa paghahatid sundo sa mga mag aaral.

Anya, apektado ng magiging hakbang na ito ng LTFRB ang mga miyembro na Tricycle Drivers and Operators associations (TODA) na umaasa sa dagdag na kita para sa kanilang mga pamilya.

Noong 2014, pinangunahan ni Belmonte ang pagpasa sa Ordinance No. SP-2337-2014 o ang “Quezon City Tricycle Management Code of 2014” na nagtatakda ng mga regulasyon sa operasyon ng mga tricycle sa QC kung saan ang mga pampasaherong tricycle ay maaari lamang magsakay ng apat na pasahero, kabilang na dito ang driver.

 Sa ibang lugar tulad ng Batasan Hills, Krus na Ligas, at Payatas kung saan malalayo ang ruta, pinapayagan ang hanggang limang pasahero, tatlo sa loob at dalawa sa likod ng driver.

 Sa ngayon, ang QC ay may higit 24,700 lehitimong tricycle mula sa 150 TODA.

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with