^

Police Metro

Pasahero dedo sa tandem, driver ng taxi nadamay

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
Pasahero dedo sa tandem, driver ng taxi nadamay
Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. ­Alexander Santos, naganap ang insidente alas-12:20 kahapon ng madaling araw sa PAE, A. Bonifacio Avenue, Purok 1, Brgy. Central Bicutan ng naturang lungsod.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pasahero na hinihinalang sangkot sa droga habang sugatan naman ang driver ng sinasakyan nitong taxi matapos pagbabarilin ng riding in tandem, kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na kaagad na nasawi matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Ginagamot naman sa isang ospital ang driver na si Alberto Tubo, 39, nakatira sa Mabuhay, Binangonan, Rizal sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Ayon sa hepe ng Taguig City Police na si Sr. Supt. ­Alexander Santos, naganap ang insidente alas-12:20 kahapon ng madaling araw sa PAE, A. Bonifacio Avenue, Purok 1, Brgy. Central Bicutan ng naturang lungsod.

Nabatid, na minamenho ni Tubo ang isang taxi (Max Carlo Transat habang binabagtas nito ang naturang lugar ay pumara ang hindi nakikilalang biktima.

Pagsakay ng biktima sa taxi nito ay biglang sumulpot ang dalawang kalalakihan, na magkaangkas sa isang motorsiklong walang plaka at walang salitang pinagbabaril ang naturang pasahero na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang tinamaan ng ligaw na bala at sugatan si Tubo .

Pagkatapos nang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspect.

Sa  pagsisiyasat ng Scene of the Crime Office, Southern Police District (SOCO, SPD), narekober nila sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at 1 basyo ng bala ng .9mm.

Nabatid sa pulisya, nagsasagawa pa sila ng malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente at inaalam na rin nila kung may kinalaman ito sa droga.

vuukle comment

TAXI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with