^

Police Metro

246 mga pari, preachers nais magbitbit ng baril

Joy Cantos - Pang-masa
246 mga pari, preachers nais magbitbit ng baril
Sinabi naman ni Albayalde na dadaan muna sa masusing proseso ng PNP-FEO bago maaprubahan ang kahili­ngan ng mga ito na makapagbitbit ng mga armas.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 246 mga pari, ministro, at mga prea­chers ng iba’t-ibang relihiyon ang nag-apply sa Philippine National Police (PNP) upang makapagbitbit ng mga armas .

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Albayalde sa kabuuang 246 lider ng mga relihiyon ay 188 dito ang mula sa Simbahang Katoliko habang 58 pa ang mula naman sa hanay ng mga Ministro, Pastor at mga Preachers mula sa iba’t-ibang sekta ng relihiyon. Nabatid sa rekord ng PNP-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) na ang mga alagad ng iba’t-ibang sekta ng relihiyon kabilang ang mga paring Katoliko ang iba rito ay dati nang nag-apply habang ang bulto ay nito lamang Hunyo.

Samantalang naging pursigido naman ang mga pari na magsipag armas bunga ng sunud-sunod na pagpatay sa tatlo nilang kasamahan habang isa naman ang nasugatan at masuwerteng nakaligtas sa insidente.

Pinakahuli sa mga pinaslang ay si Fr. Richmond Nilo noong Hunyo 10 ng gabi bago ito magmisa sa isang simbahan sa Zaragosa , Nueva Ecija.

Sinabi naman ni Albayalde na dadaan muna sa masusing proseso ng PNP-FEO bago maaprubahan ang kahili­ngan ng mga ito na makapagbitbit ng mga armas.

“We are also amenable to taking the extra step of providing firearms proficiency and marksmanship training to religious leaders who wish to own and possess firearms”, ang sabi pa ng PNP Chief .

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with