^

Police Metro

2 illegal towing company, huli ng MMDA

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang illegal to­wing company na nag-oo­perate sa kahabaan ng ­Osmeña Highway sa Makati City ang naaktuhan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority at Highway Patrol Group (MMDA-HPG) kahapon ng umaga.

Alas-10:00 ng umaga nang mamataan ang mga towing service na isa rito ay ang RWM Towing Services sa Magallanes Interchange sa Osmena Highway ng nasabing lungsod.

Ayon kay Bong Nebrida, supervising operation officer ng MMDA , naaktuhan nila ang RWM Towing na naghahatak ng mga nasisiraan ng sasakyan sa nasabing lugar.

Bukod pa rito, aniya marami na silang natanggap na reklamo hinggil sa mga ginagawang illegal na paghahatak sa mga sasakyan.

Ang modus ng naturang towing service, hahatakin ang mga sasakyan na nasisiraan sa mga kalye at sapilitan kukunin ang susi ng sasakyan at bukod pa rito ay kinukuha ang baterya upang hindi makaandar at sabay nilang hatakin.

Pagnahatak nila ang mga sasakyan bawat isa ay sini­singil ng halagang P9,500  P11,500.

Nagtangka pang tumakas ang driver nang nasabing towing service na matapos ang maikling habulan ay nadakip din. Nakilala itong si Jose Dario Delario.

Sinabi pa ni Nebrida na nanghahatak sila ng sasakyan na nakahambalang lamang sa Osmeña Highway ang kanilang tow truck  dahil wala silang impounding area at overpriced din silang maningil.

Napag-alaman pa na mga barung- barong ang opisina ng mga ito sa may gilid ng nasabing lugar habang ang kanilang mga tauhan ay walang uniporme at ang iba ay nakahubad pa kapag nang hahatak ng mga sasakyan.

Dadalhin ang mga nahuli sa Traffic Management Group ng PNP-HPG sa Camp Crame at sasampahan ng kaukulang kaso tulad ng carnapping.

vuukle comment

RWM TOWING SERVICES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with