5 bus terminal sa Pasay, pinasara
MANILA, Philippines — Limang bus terminal sa EDSA, Pasay City ang ipinasara kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa maraming paglabag kabilang ang “nose-in, nose-out” policy.
Ang mga pinasara ay ang Ma. Victoria Transport Inc., St. Jude Transport Lines/Peñafrancia Bus, na matatagpuan sa northbound lane, Arandia Lines, Bobis Liner at RMB Bus Line, na matatagpuan naman sa southbound lane.
Napag-alaman din na walang business permit ang Ferdinand Bus Line, Smart Bus at Elavil Bus, samantalang ang Ceres Liner, RMB Bus at Ultra Bus; Mark Eve’s Transit at Diamond Star Transit ay nagshe-sharing lang aniya sa terminal.
Ang naturang inspection ay pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim, kung saan kinakakitaan niya ng maraming paglabag ang nasabing mga bus terminal kabilang nang paglabag sa “nose-in, nose-out” policy.
Sabi ni Lim, nagiging sanhi rin aniya ng matinding trapik sa EDSA kapag nagmamaniobra ang naturang mga bus.
Nabatid na nasa 85 bus terminal ang matatagpuan sa Metro Manila at ang 46 dito ay nasa kahabaan ng EDSA.
- Latest