^

Police Metro

Tirador ng motor dedo sa parak

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang isa sa mga hinihinalang tirador ng motor habang nakatakas naman ang kasabwat nito matapos na makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis makaraang tangayin umano ng mga ito ang motorsiklo ng isang nabiktimang babae, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Patuloy na kinikilala ng mga pulis ang napaslang na suspek na isa sa tumangay sa Suzuki Raider sa biktimang si Tiffany Chantel McBride.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-1:20 ng mada­ling araw, habang sakay ng kanyang motor si McBride sa may Tala Ce­metery sa Phase 7 sa Brgy. 176 Bagong Silang nang bigla umano itong harangin ng mga suspek at puwersahang tinangay ang kanyang motor.

Agad na nakapagsumbong ang biktima sa Police Community Precinct 3 na nagkasa ng ‘dragnet operations’.

Nang maispatan ng mga pulis ang mga suspek ay dito na naganap ang sandaling habulan hanggang sa makorner ang mga ito.

Imbes na sumuko ay pinutukan ng mga ito ang mga pulis dahilan upang gumanti ang mga parak na nagresulta sa pagkamatay ng isa habang nakatakas naman ang kasamahan nito na tangay pa rin ang motorsiklo.

Patuloy ang manhunt ng mga pulis sa nakatakas na suspek habang nakaalarma na rin ang natangay na motor.

vuukle comment

TIFFANY CHANTEL MCBRIDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with