^

Police Metro

Drug lord itinumba sa selda

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pinaghihinalang drug lord ang pinaslang sa loob ng selda ng kapwa niya inmate naganap sa Mandaue City Jail sa Cebu nitong Martes.

 Kinilala ang nasawing biktima na si Steve Go umano’y drug lord sa lungsod at iba pang lugar sa Cebu.

Ang pumaslang ritong inmate ay nakilala namang si Crescencio Eraña na kasama nito sa selda, may kasong multiple murder, paglabag sa Dangerous Drugs Act, illegal possession of firearms at resistance to persons with authority.

Sa inisyal na ulat ng tanggapan ng BJMP sa lungsod, bandang alas-11:00 ng umaga nang makarinig ng putok ng baril ang mga jailguard sa loob ng selda ng detention facility nina Go at Eraña.

Si Go ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo na siyang dagliang ikinasawi nito.

 Nang magresponde ang mga jailguard ay naaktuhan pa ng mga itong hawak ni Eraña ang baril na ginamit nito sa pamamaslang sa nasabing drug lord.

Ikinatwiran naman ni Eraña na si Go ang may-ari ng baril na ginamit niya sa pagpatay dito.

Magugunita na sa pag-iinspeksyon sa selda ni Go nitong nakalipas na linggo ay narekober ng mga awtoridad ang mobile cellphone nito at sari-saring mga drug paraphernalia. Si Go sa kabila umano ng nakapiit ay tuloy pa rin ang transaksiyon sa illegal drug trade.

Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cebu City ang kasong ito.

vuukle comment

STEVE GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with