^

Police Metro

20 sugatan sa karera ng bus

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawampung katao ang nasugatan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan dahil umano sa karerahan ng dalawang pampasaherong bus kahapon ng umaga sa EDSA-Magallanes sa lungsod ng Makati.

Nilalapatan na ngayon ng lunas sa Ospital ng Makati at Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga sugatang biktima na pawang mga pasahero ng naturang mga bus.

Sa report na natanggap ng hepe ng Makati City Police na si Police Sr. Supt. Rogelio Simon, naganap ang insidente alas-6:05 kahapon ng umaga sa  Southbound lane ng EDSA-Magallanes, Brgy. San Lorenzo, habang binabagtas ng Joyselle Bus Co, (TXD-328), na may biyaheng Baclaran-Fairview at minamaneho ni Fruto Abanes Avila ang naturang lugar ay bigla itong nawalan ng preno dahilan upang masalpok nito ang kakarerang aircon bus ng Valenzuela Transport Service Cooperative, na may registered number 130110639, na minamaneho ni Edwin Jose Alfaro hanggang sa nasalpok din nito ang isang Mitsubishi Mirage (ACM-4149), na minamaneho naman ni Arnante Auguilar.

Dahilan upang magkarambola ang nabanggit na mga sasakyan at sa lakas nang pagkakabangga ay nasugatan ang may 20 pasahero ng naturang mga bus.

Nagdulot naman nang napakabigat na daloy ng trapiko ang nasabing aksidente sa kahabaan ng EDSA.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with