Dismis na pulis, dedo sa drug war
Batay sa ulat, bandang alas -9:55 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit (DEU) personnel ng Famy Municipal Police Station sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency laban kay Parak sa Brgy. Tunhac, Famy ng lalawigan.
AP/Aaron Favila
Dismis na pulis, dedo sa drug war
Joy Cantos (Pang-masa) - June 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang dating pulis na nadismis sa serbisyo ang nasawi matapos manlaban sa mga otoridad sa isang buy bust operation sa Famy, Laguna kamakalawa ng gabi.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si dating PO3 Arnel Aguilan alyas Parak , 52 anyos, hiwalay sa asawa, dating nakatalaga sa Lucena City Police sa lalawigan ng Quezon noong 1998 at residente ng Brgy. Bulihan, Famy.

Batay sa ulat, bandang alas -9:55  ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation  ang Drug Enforcement Unit (DEU) personnel ng Famy Municipal Police Station sa pakikipagkoordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency laban kay Parak sa Brgy. Tunhac, Famy ng lalawigan.

Matapos naman na magbenta ng tatlong sachet ng shabu  na nagkakahalaga ng P 1,000 sa poseur buyer ng mga otoridad ay nakatunog si Parak na mga lehitimong pulis ang kanilang ka-transakyon kaya agad ng mga itong pinaputukan ang mga ­operatiba na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig na kung saan ay tinamaan ang suspek habang nakatakas ang kasama nito.

Narekober sa pinangyarihan ng encounter ang isang pistola, 5 sachets ng shabu at mga drug paraphernalia.

ARNEL AGUILAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with