^

Police Metro

Misis na buntis todas sa kanyon ng militar

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na ginang na apat na buwang buntis ang nasawi matapos matamaan ang bahay nito ng kanyon ng mga sundalo sa Barangay Lower Idtig, General Salipada K Pendatun, Maguindanao, noong Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Nano Usman Mangintas, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-8:30 ng umaga ay nagsagawa ng serye ng military operation at nagpapakawala ng malalakas na pagsabog gamit ang kanyon sa marshy area na pinagkukutaan ng mga teroristang BIFF sa lugar.

Sa halip na marshy area ng Bulod ay napadako sa bahay ng sibilyan ang pagsabog na nagresulta sa pagkakasawi ng ginang at pagkasugat ng isang 14 anyos na dalagita.

Ayon naman kay Capt.Arvin Encinas ang ta­gapagsalita ng 6th ID, nagsasagawa na ng imbestigasiyon sa kanilang mga tauhan upang alamin kung posible bang may pagkakamali dito ang mga sundalo at bakit nadamay ang sibilyan.

vuukle comment

NANO USMAN MANGINTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with