^

Police Metro

3 ‘Akyat-Bahay’ napatay sa shootout

Mer Layson - Pang-masa
3 �Akyat-Bahay� napatay sa shootout
Sa salaysay ni Mark Ugay, security officer ng Filinvest 2 Subdivision, Brgy. Batasan Hills, nagroronda sila, nang mapansing bukas ang ilaw sa loob ng isang bahay sa San Mateo Road na alam nilang walang tao doon.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong lalaki na hinihinalang miyembro ng ‘Akyat-Bahay’ gang sa magkasunod na engkuwentro sa lungsod kahapon ng madaling araw.

Unang napatay ng mga tauhan ng QCPD-Batasan Police Station 6, dakong alas-2:00 ng madaling araw kahapon ang dalawang suspek na nakilala lsa alyas na Rigor, nasa edad na 35-40-anyos, may taas na hanggang limang talampakan, nakasuot ng itim na sando at shorts at may tattoo na ‘tribal’ sa kanang balikat; at isang alyas ‘Rak Rak,’ nasa edad-25-30-anyos,  may taas na 5’5”, nakasuot ng kulay asul na sando at gray na shorts.

Sa salaysay ni Mark Ugay, security officer ng Filinvest 2 Subdivision, Brgy. Batasan Hills, nagroronda sila, nang mapansing bukas ang ilaw sa loob ng isang bahay sa San Mateo Road na alam nilang walang tao doon.

Nang silipin ay napansin umano nila na kahina-hinala ang ikinikilos ng mga lalaking nasa loob ng bahay, kaya’t kaagad na inireport sa pulisya.

Rumesponde ang mga pulis sa pangunguna ni P/Chief Insp. Sandie Caparroso, ngunit kaagad na silang binaril ng mga suspek nang makitang lalapitan nila ang mga ito.

Gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek at nasamsam sa mga ito ang dalawang kalibre .38 revolver, backpack na naglalaman ng martilyo, screw driver, at Nike pouch na naglalaman ng mga sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Samantala, dakong alas-2:50 ng madaling araw nang mapatay sa isang engkuwentro ang isang lalaki, na hinihinalang miyembro rin ng “Akyat-Bahay” sa Exeter St., kanto ng Midway St., Forest Hills Subd., Brgy. Gulod, Novaliches.

Inilarawan lamang na nasa edad na 25-30-anyos, may taas na 5’1”, nakasuot ng itim na long sleeves shirt at kulay gray na short pants.

Bago ito ay nakatanggap ng tawag ang Novaliches Police Station mula sa isang residente hinggil sa dalawang lalaki na umiikot sa lugar.

Kaagad na rumesponde at namataan sa lugar ang mga hindi kilalang suspek, na kahina-hinala umano ang kilos kaya’t sinita.

Nang papalapit ang mga pulis ay bigla na lang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga una na napilitang gumanti ng putok, na nagresulta sa pagkamatay nito.

vuukle comment

AKYAT-BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with