Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na ang dahilan upang mabalam ang nakatakdang panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno ang NDF ay upang konsultahin muna raw ang taumbayan.
Geremy Pintolo, File
Nakatakdang peace talks kinansela
Rudy Andal (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi muna matutuloy ang nakatakda sanang pagbuhay muli ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front na magsisimula dapat sa June 28.

Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza na ang dahilan upang mabalam ang nakatakdang panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno ang NDF ay upang konsultahin muna raw ang taumbayan.

“Peace talks with NDF not to resume yet; government needs to consult the public first,” wika pa ni Sec. Dureza sa media brie­fing sa Palasyo.

Idinahilan ni Dureza ang naging hadlang para muling maudlot ang pa­nunumbalik ng peace talks ay dahil sa hindi ‘conducive’ ang environment.

Magugunita na inanunsiyo mismo ni Pangulong Duterte sa ilang public engagement nito na pumayag siyang muling makipag-usap sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-NDF sa kondisyon na ititigil nito ang pangongolekta ng re­volutionary tax, pag-atake sa mga sundalo at pulisya.

Nakahanda rin si Pa­ngulong Duterte na sagutin ang gastosin ni NDF founding chairman Jose Ma. Sison sakaling magdesisyong umuwi ito sa Pilipinas upang maging bahagi ng peace talks kasabay ang paniniguro na hindi ito aarestuhin habang naririto sa bansa gayundin ang mga NDF consultants na magiging bahagi ng NDF panel.

Inanunsyo rin ni Pa­ngulong Duterte na kung sakaling hindi magtagumpay ang ibinigay niyang 6-days deadline para sa resumption ng peace talks ay siya mismo ang maghahatid kay Sison sa airport upang bumalik ito sa Netherlands.

JESUS DUREZA
Philstar
  • Latest
Latest