Pulis inutas sa parking lot ng Napolcom
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa parking lot ng opisina ng National Police Commission (Napolcom) sa Makati City ay pinagbabaril ang isang pulis ng isang gunman kahapon ng hapon.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si PO2 ­Teejae Valdez, nakatalaga sa Marikina City Police.

Sa ulat, bago naganap ang pamamaril sa biktima pasado alas-3:00 kahapon ng hapon sa parking area ng Napolcom sa Jupiter St., Brgy. Bel Air ay kagagaling lamang ng biktima sa hearing.

Habang naglalakad patungo sa parking area ay biglang sumulpot ang isang lalaki at walang kaabo-abog na pinagbabaril ito.

Nang masigurong napatay ang biktima ay kaswal lang naglakad patakas ang suspek.

NAPOLCOM POLICE ­TEEJAE VALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with