Drug buy bust: 5 pusher napatay
Napatay ng Quezon City Police District dalawang drug pusher na kinilalang sina Robert Rivera at Randy Matias sa Brgy. Holy Spirit, dakong alas-2:00 ng madaling araw.
AP/Aaron Favila, File
Drug buy bust: 5 pusher napatay
Boy Cruz, Cristina Timbang, Mer Layson (Pang-masa) - June 6, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang pinaghihinalaang drug pusher ang nasawi sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Quezon City, Bacoor City, Cavite at Malolos City, Bulacan.

Napatay ng Quezon City Police District dalawang drug pusher na kinilalang sina Robert Rivera at Randy Matias sa Brgy. Holy Spirit, dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Narekober mula sa mga suspek ang 10 plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, at dalawang kalibre. 38 na baril.

Sa Bacoor City, Cavite ay nakilala sa mga alyas na Lorick at Romiel ang dalawang napatay na suspek sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor Boulevard, Brgy. Niog 3. Narekober sa dalawang suspek ang 2 maiksing baril at mga shabu at paraphernalias.

Kinilala lang sa alyas na Role ang napatay na suspek sa buy bust ­operation sa Old Cagayan Valley Road, Brgy. Sto.Cristo, Malolos City, Bulacan.

Nabatid na pawang nanlaban ang mga napatay na drug suspect matapos na pumalag sa pag-aresto sa kanila.

DRUG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with