^

Police Metro

Piskal ng Ombudsman na 5 buwang buntis, pinatay

Mer Layson - Pang-masa
Piskal ng Ombudsman na 5 buwang buntis, pinatay
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:20 ng umaga ay nakatayo ang biktima sa harap ng lotto outlet na matatagpuan sa nasabing lugar.
File

Sinaksak sa harap ng lotto outlet...

MANILA, Philippines — Inatado nang saksak ng hindi pa kilalang lalaki ang isang piskal ng Office of the Ombudsman habang ito ay nakatayo sa harap ng isang lotto outlet sa kahabaan ng Visayas Avenue, Brgy. Vasra, Quezon City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay idi­neklarang dead on arrival sa East Avenue Medical Center ay nakilalang si Atty. Madonna Joy  Ednaco-Tanyag, Assistant Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman at nakatira sa No. 7, Lot 8, Block 57, Starlight Residence Starligth St., Rancho 3, Concepcion 2, Marikina City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:20 ng umaga ay nakatayo ang biktima sa harap ng lotto outlet na matatagpuan sa nasabing lugar.

Habang nakatayo ang biktima ay bigla na lamang sumulpot ang suspek at walang kaabog-abog na pagsasaksakin ito sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakbo papalayo sa crime scene ang suspek.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pagpatay at upang madakip ang suspek.

Magugunita na noong nakalipas na May 11, 2018 ay pinatay din sa Quezon City si Deputy City prosecutor at Chief inquest Rogelio Velasco sa  Don Antonio St., Holy Spirit Drive, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

MADONNA JOY EDNACO-TANYAG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with