Lalaki na ikakasal utas sa bangga
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - June 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na lalaki na nakatakdang ikasal ngayon buwan ang nasawi matapos na su­malpok ang minamanehong tricycle sa isang Elf truck kamakalawa sa Purok Langitnon, Zone IV, Koronadal City, South Cotabato.

Ang nasawi ay kinila­lang si Nick Tabaosares, 30, residente ng Victory Homes, Brgy. Paraiso.

Sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-4:30 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle na gamit ang isang kamay dahil ang kabilang kamay ay hawak nito ang isang plastic.

Nabangga ng sidewheel ng kanyang tricycle ang isang bato dahilan para ito ay tumagilid na sakto naman paparating ang Elf truck na minamaneho ni Jerwin Lauriano, ng Dajay, Surallah kaya’t nasalpok ito.

Lubos na pagdadalamhati ang dinaranas ng nobya sa sinapit ng nobyo dahil hindi na matutuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with