4 papuntang lamay patay sa bangga
Rhoderick ­Beñez (Pang-masa) - May 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang 5-buwang sanggol na lalaki na sakay ng isang multicab na papunta sanang lamay ang nasawi matapos na masalpok ng isang trak kamakalawa ng alas-4:00 ng madaling araw sa Brgy. Maluko, Manolo Fortich, Bukidnon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Otelo Sadicon; Narcisa Balong; at Sandra Abecia; at anak nitong si Sadecon, 5 buwang gulang.

Batay sa ulat, sakay ang apat na nasawi ng multicab na galing sa Maramag, Bukidnon at pa­punta sana sa Balingoan, Misamis Oriental para dumalo umano sa isang lamayan.

Nabatid na mabilis ang takbo ng multicab at umano ay nag-overtake at nasalpok nang papara­ting na forward truck na minamaneho ng hindi pa pinangalanang driver.

Sa lakas nang pagkakabangga ay tumi­lapon ang mga nasawi maliban pa sa 11 ang nasugatan na dinala sa Bukidnon Provincial Hospital.

Ang driver ng trak ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple serious physical injuries and damage to properties.

OTELO SADICON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with