^

Police Metro

Pulis inutas sa Tondo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay ang isang pulis-Maynila matapos itong pagbabarilin nang malapitan ng dalawang riding-in-tandem habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan naganap sa isang basketball court sa Barangay 75 Zone 7, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si PO2 Carlo Tolentino Pineda, 47-an­yos, dating nakatalaga sa MPD-Homicide Section, residente ng No. 809 Francisco St., ng naturang lugar.

Sa ulat na inisyu ni MPD-Public Information Office chief, Supt. Erwin Margarejo, naganap ang insidente dakong ala-1:40 ng madaling araw habang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang apat na suspek na pawang mga nakamaskra at sakay ng dalawang motorsiklo nang ratratin ng mga ito nang malapitan ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis namang tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Herbosa St.

Isinugod naman ng mga sumaklolo ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kung saan idineklarang dead-on-arrival bunsod ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Patuloy pang nanga­ngalap ng ebidensiya at closed circuit television (CCTV) footages ang mga awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with