^

Police Metro

2 ‘tulak’ bulagta sa buy-bust

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang dalawang sinasabing kilabot na tulak ng shabu makaraang mauwi sa isang shootout ang ikinasang buy-bust operation laban sa kanila ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Aurora Service Road sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang mga suspek na kinilala lamang sa mga alyas na “Toto” at “Ariel”, pawang mga nasa hustong gulang, at sumailalim sa isang linggong surveillance ng mga tauhan ng QCPD Station 10 bago isagawa ang drug bust operation.

Ayon kay Supt. Ariel Capocao, Commander ng QCPD Station 10, dakong ala-1:25 ng madaling araw nang ikasa ang operasyon sa parking lot ng isang bus company sa Brgy. Immaculate Concepcion, ng nasabing lugar.

Nabatid na nakatunog umano ang dalawang suspek na pulis ang kanilang katransaksyon dahilan upang magpaputok ng baril si Toto habang bubunot na rin sana ng baril si Ariel ngunit naging mas maagap ang mga pulis bunsod upang gumanti ng putok ang mga ito na ikinasawi ng mga suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang dalawang ng Smith and Wesson na kalibreng .38 ng baril, 10-plastic sachet ng shabu at buy-bust money na nagkakahalaga ng P1,000.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with