^

Police Metro

Kagawad tumba sa tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumba ang isang barangay kagawad matapos itong ratratin ng isang armadong riding-in-tandem sa Brgy. Gen. Malvar, Pontevedra, Negros Occidental nitong Sabado ng umaga.

Nasawi noon din matapos na mapuruhan ng punglo ng baril ang biktimang kinilalang si Kagawad Salvacion Samson, 51 taong gulang, nanunungkulan sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Supt. Joem Malong, Spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 6, dakong alas-9:10 ng umaga nang bigla na lang sumulpot sa nasabing lugar ang mga suspek at walang habas na pinagbabaril ang biktima na pinuntirya ang ulo hanggang sa ito’y bumulagtang duguan.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang direksyon matapos na masigurong wala nang buhay ang target.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara na itong dead-on-arrival.

Patuloy naman ang follow up operations ng mga otoridad sa kasong ito para sa ikadarakip ng mga salarin at mabigyang hustisya ang biktima.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with