^

Police Metro

4 kisay sa kidlat, 6 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa
4 kisay sa kidlat, 6 sugatan
Ang mga biktima na nasapul ng kidlat at nagtamo ng grabeng pagkasunog ng katawan na siyang ikinamatay ng mga ito ay kinilalang sina Rubilyn Muedan, 41, Glenn Gatual, 42, Maritess Garzon, 52, at Reinilda Villanueva, 51 taong gulang, pawang mga residente sa lugar.
File

MANILA, Philippines — Kisay hanggang sa malagutan ng hininga ang apat na magsasaka habang anim pa sa mga kasamahan ng mga ito ang sugatan matapos tamaan ng kidlat habang nagtratrabaho sa isang malawak na taniman ng tubo sa  Hacienda Carmen, Brgy. DSB, Pontevedra, Negros Occidental nitong Biyernes ng hapon.

Ang mga biktima na nasapul ng kidlat at nagtamo ng grabeng pagkasunog ng katawan na siyang ikinamatay ng mga ito ay kinilalang sina Rubilyn Muedan, 41, Glenn Gatual, 42, Maritess Garzon, 52, at Reinilda Villanueva, 51 taong gulang, pawang mga residente sa lugar.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Valladolid District Hospital ang apat sa mga nasugatan habang ang dalawa pa sa mga ito ay agad namang nakauwi sa kani-kanilang tahanan matapos malapatan ng paunang lunas.

Sa report ng Negros Occidental Police, sinabi ni Chief Inspector Joem Malong, Spokesperson ng Western Visayas Police, habang abala ang mga biktima sa kanilang mga gawain sa nasabing tubuhan dakong alas-3:30 ng hapon, nang biglang bumuhos ang malakas na ulan dahilan upang sila’y sumilong sa isang kubo na nasa gitna ng taniman.

Gayunman biglang gumuhit mula sa kalangitan ang isang malakas na kidlat na tumama sa mga biktima na nasa kubo.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with