^

Police Metro

P750 minimum wage, giit

Joy Cantos, Malou Escudero - Pang-masa
P750 minimum wage, giit
Anila, dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay awtomatikong nagtaasan din ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
File

MANILA, Philippines — Sa gitna na rin ng pagsirit ng presyo ng mga pa­ngunahing bilihin dulot ng bagong tax law, nanawagan kahapon ang partylist na Anakpawis sa pamahalaan na itaas sa P 750 ang national minimum wage ng mga mangagawa.

Anila, dahil sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay awtomatikong nagtaasan din ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon pa kay partylist Rep. Ariel Casilao kailangan umanong itaas ang suweldo upang matugunan ng mga empleyado ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya partikular na ng mga karaniwang mangagawa na nahihirapan sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Aniya pa, ang panawagan niya para sa ‘national minimum wage’ ay hindi na bago dahilan alinsunod ito sa Wage Rationalization Act sa panahon ng rehimen ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Samantala, tiniyak naman kahapon ng Palasyo na pinag-aaralan na ng pamahalan ang hirit ng mga manggagawa na itaas ang sahod.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, initasan na ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III na magpulong na tungkol sa isyu kung dapat nang itaas ang minimum wage.

Ipinaliwanag pa ni Roque na hindi puwedeng ang national ang magdesisyon tungkol sa pagtataas ng sahod dahil nakasaad sa batas na dapat ito ay regional.

“Kaya lang po may proseso, hindi na puwedeng national iyan kasi may batas po na ginawang regional,” sabi ni Roque.

vuukle comment

MINIMUM WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with