Konsehal itinumba ng npa rebels
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pang-masa) - May 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang konsehal ng bayan ang pinagbabaril ng dalawang lalaki na mga miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA)  kamakalawa ng hapon sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si Ronel “Zaldy” Millare, 58, isang retiradong pulis at kasalukuyang konsehal ng Allacapan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon sa talyer ng biktima na nasa tabi ng highway sa Brgy. Lebben ay bigla na lamang sumulpot sa lugar ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at agad pinagbabaril ang biktima na namatay noon din.

Siyam na basyo ng bala ng cal.45 ang narekober ng SOCO sa crime scene.

Ang biktima ay dating hepe ng pulisya sa Allacapan AT nagretiro noong 2012 na tumakbong konsehal at nanalo.

Agad namang inako ng Communist New People’s Army Terrorist Group (CNTG) sa ilalim ng  Danilo Ben Command, NPA West Cagayan ang pagpatay kay Millare.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with