^

Police Metro

PDP-Laban pinuri ang sakripisyo at statesmanship ni Koko

Pang-masa
PDP-Laban pinuri ang sakripisyo at statesmanship ni Koko
Pinili ni Pimentel si dating Senate Majority Floor Leader Vicente Tito Sotto III bilang kanyang kapalit upang tuparin ang pangakong bababa siya sa tungkulin bilang pagha­handa sa kanyang reeleksiyon sa 2019 midterm elections.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Umulan ng papuri mula sa mga tunay at tapat na kasapi ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) sa kanilang Party President na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa ginawa nitong sakripisyo para sa higit na ikabubuti ng Senado at ng bayan noong Martes.

Pinili ni Pimentel si dating Senate Majority Floor Leader Vicente Tito Sotto III bilang kanyang kapalit upang tuparin ang pangakong bababa siya sa tungkulin bilang pagha­handa sa kanyang reeleksiyon sa 2019 midterm elections.

“Ipinakita ni Pimentel ang kanyang husay at statesmanship na inaasahan sa isang lider ng ruling party na unahin ang interes ng bansa at ng kanyang institusyon kaysa personal na kagustuhan,” sabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na tumatayo ring National Vice Chairman ng PDP Laban.

Tinanggap ni Cusi ang pinakahuling pagbabago sa paniniwalang maitutuon ni Sen. Pimentel ang kanyang atensiyon sa pagsabak ng kanilang partido sa halalan sa 2019 gayundin ang pa­ngunahin nilang adbokasiya na Federalismo.

“Ipinamalas ni Sen. Pimentel na sinusunod ng PDP Laban ang mga itinuturo nito. Ihahatag namin ang pagbabago sa estruktura ng mga institusyon pati na rin sa kulturang politikal ng bansa. Palagi naming ­inuuna ang interes ng bayan,” pahayag ni House Speaker at PDP Laban Secretary General Pantaleon Alvarez.

“Mula sa Chairman hanggang sa mga local chapter, dama ni Sen. Pimentel ang katapatan at pagtitiwala ng bawat miyembro ng partido. Ang ­aming respeto sa kanya ay higit pang pinaganda ng kanyang mga aksiyon na nagpapatunay na isa siyang statesman sa pinakamataas na kalibre,” sabi ni Special Assistant to the President at PDP Laban National Auditor Christopher Bong Go.

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with