^

Police Metro

20 Vietnamese fisherman inaresto sa illegal entry

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawampung Vietnamese fisherman ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Navy makaraang maaktuhang illegal na pumasok at na­ngingisda sa teritoryong nasasakupan ng bansa sa karagatan ng Mangsee Island, Balabac, Palawan.

Kinilala ni PRO IV B Spokesperson Supt. Imelda Tolentino ang mga nasakoteng Vietna­mese na sina Tran Jong Vu, 42, Boat Captain; Nguyen Van Hoang, 36, mechanic at mga tripulante na sina Vo Minh Hieu, 21; Vo Thanh Dam, 25; Nguyen Thanh Xuan, 28; Vo Minh Thong, 21; Chau Nhat Hao, 20; Nguyen Tan Khai, 32; Nguyen Minh Hhy, 22; at isa pa na hindi makapagsalita ng Ingles.

Inihayag naman ni AFP Western Command Spokesperson Captain Cheryll Tindog na nakasamsam din ng 54 ­pating at mga pagi sa mga Vietnamese na tumitimbang ng 10 kilo.

Nabatid na kasalukuyang nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga tauhan ng Philippine Navy nang maispatan ng mga ang bangkang pa­ngisda ng mga dayuhang Vietnamese na illegal na nangingisda sa karagatang nasasakupan ng Pilipinas.

Agad na hinabol ang bangkang pangisda ng mga Vietnamese ng BRP Carlos Lambert ng Phi­lippine Navy at nakorner ito matapos ang ilang minutong habulan.

Nakumpiska sa mga dayuhan ang bulto ng mga pating at pagi na nakalagay sa styrofoam mga kagamitang gamit sa illegal na pangingisda at isang HF VX radio.

vuukle comment

VIETNAMESE FISHERMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with