SC spokesman pinagbibitiw
MANILA, Philippines — Pinagbibitiw sa puwesto ni Atty. Ferdinand Topacio si Supreme Court Spokesman Atty. Theodoro Te.
Ang panawagan ni Topacio ay makaraang magpost si Te sa kanyang personal na social media accounts noong May 11, 2018 matapos ibaba ang desisyon ng Korte Suprema na pabor sa quo warranto laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa kanyang facebook at twitter accounts, inilagay ni Te ang litrato ng katagang: I DISSENT.
Ayon kay Topacio, sino si Te para maghayag ng pagtutol gayong siya ay nagsasalita hindi para kay Sereno, hindi para minorya kundi para sa buong Korte Suprema.
Kahiya-hiya umano para kay Te na maglabas ng sariling opinyon gayong ang kinakatawan niya ay ang buong Korte Suprema.
- Latest